Lalaki na pinagtatawanan dahil namumulot ng lumang gulong, ‘di nila alam na malaki ang kinikita nito

Dito sa mundo, kinakailangan nating maging madiskarte upang mabuhay, may kitain at may ipangkain.

Maswerte ang mga taong ipinanganak ng may gintong kutsara nang nakasubo sa kanilang bibig pagkat hindi na ganoon kahirap para sa kanila ang magkaroon ng komportabeng buhay.

Madami ang natatawa sa mga taong namumulot ng basura, nangangalakal o hindi kaya man ay nagre-recycle ng mga gamit na patapon na.

Iniisip ng iba na ang mga bagay na ito ay hindi na dapathinahawakan pa pagkat naniniwala silang wala na itong silbi.

Ngunit pinatunayan ito ng lalaking nag gagawa ng tinatawag na “Tire Sandals” o tsinelas na gawa sa ubod ng tibay na gulong na kaniyang pinupulot.

Isa sa pinaka mahalagang bahagi ng sasakyan bukod sa makina ay ang gulong kaya kinakailangan itong palitan sa tuwing ito ay luma at butas na.

Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat, ang tinatawag na patapon ay maaari pang pagkakitaan sa pamamagitan ng paggawa ng tsinelas na higit pa ang tibay kaysa sa mga branded na nabibili sa mga malls.

Sa bansang Kenya at bandang Silangan ng Africa nagsimula ang ganitong klase ng tsinelas na gawang kamay pa ng mga naninirahan doon.

Masisisguro ang kalidad nito dahil ang materyales na kanilang ginagamit ay ang sikat na sikat na “Ten Thousand Milers “ na umaabot kayang kayang umabot ng milya milyang lakaran.

Bukod dito, isang magandang paraan din ito para mabawasan ang polusyon sa hangin na imbis na sunugin ay may iba pang maaaring gawin.