Naalala nyo pa ba si Luningning na dating dancer ni Kuya Wil? Ito na ang kanyang buhay ngayon na tinatahak

Natatandaan niyo pa ba si Lea Carla Santos o mas kilala natin bilang si Luningning na dating miyembro ng ASF dancer`s ng programa ni Kuya Wil dati sa ABS-CBN na Wowowee.

Napakaganda na pala ng kaniyang buhay ngayon, samantala kung babalikan natin ang nakaraan bata pa lamang si Luningning nang nagsimula siya sa kaniyang pagsasayaw at nasubukan niya rin noon ang pagiging entertainer sa Japan.

Isa sa mga dancer ni Kuya WIl si Luningning na talaga naman sumikat sa masa dahil sa angking galing nito sa pagsasayaw at paggiling.

Kahit ano pang musika na ipatugtog noon dati sa programang Wowowee ay talaga naman sinasayaw ni Luningning at ang mga manonood naman ay tuwang-tuwa at hangang-hanga lalo na sa sayaw nito na may kasamang cartwheel sabay mag isplit.

Ngunit hindi rin nagtagal ang kasikatan ni Luningning dahil nang nawala sa ere ang Wowowee ay nawala na rin siya sa industriya ng showbiz at mas pinili na lamang mamuhay ng normal at simple.

Simula nga noong taong 2010 ng nawala ang Wowowee sa ere ay wala ng balita kay Luningning.

Samantala kailan lang ay muling binuksan ng magaling na dancer na si Luningning ang kanyang buhay sa publiko ito ay matapos magbahagi ng mga larawan niya sa kaniyang Instagram kung saan makikita mo rito na napakasaya niya sa kaniyang buhayn ngayon.

Ayon kay Luningning simula ng iwan niya ang showbiz ay pinasok na lang niya ang pagnenegosyo nag tayo siya ng isang fitness studio para mai-apply pa rin niya ang kaniyang talento at ngayon nga ay pagmamay-ari niya ang isang studio na may pangalan na “Stardanz Fitness Studio”.

Ang studio ni Luningning ay maraming mga inooffer na pang ehersisyo lalo na para sa mga kababaihan tulad na lamang ng Aeril Silk, Belly Dance, Kali Pole, Stilettos, Jazz Dance, Dance Fitness, Hoops, at Pilates.

Dagdag pa ng dating dancer ng Wowowee hindi niya ito itnayo para lamang maiapply ang kaniyang talento bagkus para din makatulong sa iba na pangalagan ang kanilang pangangatawan.

Pahabol pa na bukod sa pagiging dancer ni Luningning ay hinahangaan din siya dahil sa angking kasexy-sihan dahil kung matatandaan taong 2008 ay na-feature si Luningning sa FHM Magazine.

Para naman sa mga nagtatanong na kalalakihan si Luningning ay nanatiling single at sinasabi niya na kahit wala pa siyang lovelife ay masaya siya sa kaniyang buhay.