Sharon Cuneta, ipinakilala ang isa pa niyang nawalay na ‘anak’ na namalagi sa ibang bansa

Sa tagal nang nasa industriya ng showbiz si Sharon Cuneta, halos lahat sa kaniyang pagkatao at pamumuhay ay alam na ng masa.

Kung tutuusin ay wala nang maitatago ang tinaguriang Mega Star na si Sharon.

Ngunit nitong nakaraan lamang nang ginulat muli niya ang mga netizens sa isang pagbubulgar ukol sa isa pa niyang anak na kailan man ay hindi niya isina- publiko.

Matagal na ding nakalantad ang mga hitsura at mga pagkaka kilanlan ng kaniyang mga anak Frankie Pangilinan na anak niya kay Senator Kiko, at si KC Concepcion na naging anak naman ng Megastar kay Gabby Concepcion. Pero hindi pa pala ang lahat lahat ang anak ni Sharon.

Sa kaniyang Instagram kaniyang ipinagmalaki ang kaniyang anak na hindi niya naipakilala sa masa pagkat namalagi ito sa United States. Siya ay si Curtis Christopher Cuneta.

Sa katunayan, ito ay anak ng kaniyang kapatid na lalaki. Gayun pa man, itinuturing niya itong parang tunay na anak. Mahal na mahal niya ito at ganoon din ang kaniyang pamangkin. “Mama” nga kung siya ay tawagin.

Muling nagkita ang dalawa nang umuwi sa Pilipinas si Curtis kasama ang kaniyang asawa na si Korinne. Sinabi din ni Sharon na “I thank God that he chose you for my boy. It is so easy to love you!”

Hindi napigilang maging emosyonal ng dalawa dahil matagal silang hindi nagkasama.

Iba talaga ang pagmamahl ng isang ina at ganon din sa anak kahit na hindi man ito galing sa sarili niyang sinapupunan ay naroon ang tunay at busilak na pagmamahalan