Silipin ang mala-palasyo na bahay ni Angelica Panganiban na nakakalula sa laki at may elevator pa

Kasama sa tagumpay ay ang planong mag karoon ng bahay na galing mismo sa iyong bulsa o hindi kaya man ay bunga ng iyong pinag hirapan.

Iba-iba ang mga pinapangarap na tahanan ng bawat indibidwal. Mayroong malalaki, magagarbo, elegante o di kaya man ay simple.

Kay sarap nga naman sa pakiramdam na makamtam mo ang matagal mo nang pinapangarap.

Makikita sa larawan na ang gusaling nakatayo na ito ay parang hotel ngunit sa katunayan, ito lang naman ang pinagpaguran at pinag hirapang buoin ng aktres na si Angelica Panganiban.

Mayroon daw magaganap na party noon kila Angelica at naimbitahan si Kim Chui na pumunta. Hindi niya sukat akalain na ang tahanan ni Angelica ay may sariling elevator pala.

 

Kung tatanawin ang labas at kabuuan ng bahay, makikitang napaka laki at napakaliwanag nito. Hindi maitatanggi na ang disenyong ginamit dito ay maihahambing sa mamahaling hotel.

Labas pa lang ay maganda na, ano pa kaya sa loob. Mayroon siyang elegante at komportableng living room, hindi mawawala ang napakalawak na entertainment room na may malaking flat screen tv.

Syempre sa kusina ay kumpleto din ang kaniyang gamit. Maging ang kaniyang garahe ay napaka classy din.

Bukod sa pagiging magaling na comedian ni Angelica, siya din ay hinahangaan sa kaniyang pag arte sa 6 na taon niya sa industriya ng showbiz. Kaya naman hindi na imposible sa kaniya ang magkaroon ng ganitong ari-arian.