Anak, araw-araw inaakyat ang bintana ng ICU para silipin ang Ina na nag-p0sitib0 sa C0’VID hanggang sa huling hininga nito

Sabi nila, wala nang mas hihigit pa sa pagmamahal ng isang ina sa kaniyang anak.

Hindi daw nito matitiis ang kaniyang sariling supling. ngunit sa isang larawan na nag viral sa social media, tila isa itong patunay na mayroong hindi lamang ina ang lubos na nag mamahal kung hindi pati na din ang kaniyang anak.

Makikita sa larawan ang isang lalaking nakasampa at nakadungaw sa salamin ng isang kwarto.

Napag-alaman na ang tao pala na kaniyang sinisilip at binabantayan ay ang kaniyang ina na si Rasmi Suwaiti na kung saan ay napag alamang positibo sa C0’VID at bukod pa doon ay mayroon itong leuk3mia.

Dinala sa Hebron State hospspital ang ginang sa West Bank at inadmit sa Intensive Care Unit o ICU. Ngunit dala ng safety measures, hindi pinayagang makapasok doon ang bunsong anak na si Jihadd Al-Suwaiti.

Sa sobrang pag mamahal at pag aalala nito sa ina, gumawa siya ng paraan upang makita ito. araw- araw nitong binibisita ang ina sa pamamagitan ng pag akyat sa pader at manatiling naka- upo sa may tapat ng bintana ng ICU.

Matiyaga itong inulit ulit ni Jihad hanggang sa huling hininga ng kaniyang ina.

Noong July 16 nang bawian ng buhay ang kaniyang ina. Sa kasamaang palad, hindi ito inabot ni Jihad pagkat naganap ito ng ilang sandal matapos niyang umuwi.

Nang ibalita sa binata ang nangyari sa kaniyang ina ay hindi ito lubos na makapaniwala at dinamdam ang pagkawala nito.

Ang pamilya nila Jihad ay maagang naulila sa haligi ng tahanan noong siya ay 15 na taong gulang pa lamang siya kaya ganoon na lamang kasakit sa akniya na mawalang muli ang kaniyang kaisa- isang magulang na natira.

Ang larawan ay ibinahagi sa Twitter ni Mohamad Safa at sinabing “The son of a Palestinian woman who was inf3cted with C0’VID climbed up to her hospital room to sit and see his mother every night until she passed away”.

Source: India