Bride, ibinahagi ang kwento kung bakit niya piniling pakasalan ang dating nobyo matapos maghiwalay ng 9-taon

Sabi nga ng matatanda kung kayo talaga ang para sa isa`t-isa hanggang dulo ay kayo talaga. Kahit pa kayo ay magkahiwalay gagawa ang tadhana upang kayo ay magkatagpo muli.

Tulad na lamang ng isang usap-usapan sa socmed na ipinost ni Aika Ota-Paglinawan na may caption na “I married my Ex-Boyfriend”.

Ikinuwento ni Aika kung paano sila nagkabalikan ng kaniyang ex boyfriend makalipas ang 9 na taon na pagkakahiwalay at ito rin ang kaniyang pinakasalan.

Talaga naman magugulat ka, sino nga ba ang magaakala na matapos ang ilang taon na kanilang paghihiwalay ay muling naging sila dahil sino nga ba ang makakapigil kung ito na ang naka tadhana sa kanila.

Ayon sa kanila, nagkahiwalay sila noon dahil sila daw ay bata pa at wala pa silang kasiguraduhan. Iniisip nila na ito ay puppy love lang kaya nagpadesisyunan nila na mamuhay muna ng wala ang isa`t-isa.

Marahil ito ang isa sa naging dahilan kung bakit sila naging matibay dahil sila ay tumayo muna mag-isa upang hanapin ang sarili at gawin ang mga bagay na dapat nilang gawin sa kanilang buhay na mag-isa.

Marami man ang taon na ang lumupas na hindi sila magkasama ay marami naman silang natutunan sa kani-kanilang buhay ito rin ang nagbigay sa kanila ng rason kung paano mamuhay na wala ang tao na iyong minamahal. Natuto rin sila na humawak ng mga problema ayon sa realidad.

Sobra naman ang pasasalamat ni Aika sa kaniyang ex-boyfriend na ngayon ay kanya ng asawa dahil sa mga bagay na nangyari sa kanilang buhay:

“Thank you for opening a whole new world for me. You changed my life with hardly any effort. You secured a spot in my heart like you have no plans of ever leaving.

Thank you for making me feel a love like no other. Thank you for making me feel like I’m the luckiest and most beautiful girl in the world. I love you so much, and I cannot imagine what life would be if we hadn’t met.”

I Married my Ex Boyfriend 👰💍💖2010: He was my first boyfriend, my first love. We got our love wrong the first time…

Posted by Aika Ota-Paglinawan on Friday, January 31, 2020

Nag-iwan naman ng mensahe si Aika sa kaniyang post, para sa mga tao na umaasa na makakatagpo din sila ng para sa kanila dahil kahit anong man ang mangyari kung nakatadhana talaga kayo para sa isa`t-isa ay kayo talaga.

Gagawa at gagawa ang tadhana na kayo ay pagtagpuin. Pahabol pa nito na hindi mo kailangan hanapin ang pag-ibig dahil kusa yang dumadating.