Sulyapan ang hot air balloon theme na baby’s room nina Dianne Median at Rodjun Cruz na napakaganda at elegante

Ang mga supling ang bumubuo sa tinatawag na pamilya. ito ay ang kaligayahan ng mga mag- asawa na nagdesisyong bumuo ng pamilya.

Ang mga supling na ito ay nagsisilbing biyaya mula sa Diyos kaya naman dapat itong mahalin, alagaan at pahalagahan.

Mula sa pagbubuntis ay agad na itong iniingatan sa pamamagitan ng regular check- up, vitamins gatas at iba pa.

Nasa tiyan pa lamang ay nasasabik na ang mga magulang upang makita ito at mahagkan. Kaya naman para sa mga magulang, nais nilang ibigay ang “best” para sa kanilang mga anak.

Kagaya na lamang nina Dianne Medina at Rodjun Cruz na pinaghandaan hindi lamang ang mga kagamitan sa panganganak at mga isusuot ng kanilang unang baby kung hind imaging ang magiging kwarto nito ay kanilang pinag isipan.

Tuwang tuwa ang mag- asawa nang makita ang disenyong ginawa ni Marielle Lavelle Bandong Daybed para sa kanilang kanilang baby’s room.

Isang maaliwalas na kwarto na may temang hot air balloons. Ang rason kung bakit ito ang napili nilang disenyo ay dahil may kaugnayan ito sa kanilang pre nup sa Capadoccia, Turkey.

Malapit talaga ito sa kanilang puso kaya naman maski sa kwarto ng kanilang anak ay konektado sa mga hot air balloons.

Kapansin- pansin na hindi biro ang kanilang nilaan na oras at pera sa pag paplano at pagsasagawa nito.

Gayun pa man, hindi naman nababase sa ganda at laki ng kwarto ng anak ang pagmamahal sa kaniya ng kaniyang magulang.