Babaeng nagligtas ng buhay, umani ng mga pambabatikos dahil lamang sa kaniyang kasuotan at p0sisyon habang ginagawa ito

Ang pagiging maalam at bihasa sa isang bagay ay lubos na makakatulong sa mga taong aligaga at hindi malaman ang gagawin sa isang espesipikong sitwasyon. Ang pag liligtas ng buhay ay isang napaka mapanganib na Gawain. Hindi basta basta ang prosesong ito kaya nangangailangan talaga ng mga eksperto.

Hindi na alintana kung sino at ano ang nasa paligid mom aging kasuotan ay hindi na importante. Pagkat buhay na ang nakataya dito. Isang video ang nag viral kung saan makikitang inililigtas ng babae ang isang walang malay na matandang lalaki.

Ngunit imbis na hangaan sa kabayanihan, umani siya ng pambabatikos dahil umano sa kasuotan nito.

Siya ay nakilala bilang si Peeraya Saena o Nong Jaen na 20 anyos na tumulong mag CPR sa isang matandang lalaking nahimatay dahil sa shock habang nagsasalba ng mga gamit sa nasusunog nitong bahay.

Ayon sa kanila, ang kaklase daw ni Peeraya ay naroroon habang nangyayari ang sunog. Nasaksihan niya ang pangyayari kaya naman agad siyang tumawag ng tulong kay Peeraya.

Nagmadali siya at agad sinimulan ang pag CPR ng walang pag aalinlangan. Ngunit mas napansin ng mga tao ang pag ibabaw niya sa lalaki habang siya ay nakasuot ng maikling palda.

Ipinagtanggol ito ng mga medical staff dahil pasasalamat nga naman ang dapat ibalik at paghanga, hindi pambabatikos sa kaniyang nasabing kasuotan. Ang pangyayaring iyon ay biglaan. Hindi na posible pang unahin ang pagpapalit ng kasuotan at pagiging conservative.

Si Peeraya ay isang university student na madaming alam sa CPR. Sa katunayan, siya ay sumailaim sa mga training pagdating sa first aid precaution. Naging volunteer din siya sa Ruam Katanyu Foundation sa loob ng 3 taon.

Ang matandang lalaking naisalba ay nakilala bilang si Aran Inthirom na 60 taong gulang na at malamang kung hindi dahil sa ginawa ni Peeraya ay mas Malala pa ang mangyayari sa kaniya.

Saad ni Peeraya, hindi na alintana sa kaniya ang kaniyang kasuotan. Mas mahalaga ay ang buhay ng tao na maaaring mawala kung ito ay hahayaan lang.