Sulyapan ang bahay ni Gabbi Garica na napaka-elegante na kulay ginto at nakakalula sa laki

Kadalasang nirerequest ng mga fans sa kanilang mga iniidolong vlogger o mga sikat na personalidad ay ang house tour na kung saan ay ililibot sila nito upang ibahagi ang itsura ng bahay na kanilang ginagalawan sa araw- araw.

Tunay ngang kay gaganda ng mga ito at lalo pang nakakahanga dahil ito ay kadalasang katas ng pag hihirap nila sap ag tatrabaho.

Kamakailan ay nag upload na si Gabbi Garcia ng kaniyang House Tour vlog na kung saan mapapansin na sa labas pa lang ng kanilang bahay ay hindi na maitatanggi napaka elegante nito.

Kung ano ang gandang taglay ni Gabbi ay siya ding ganda ng kaniyang tahanan.

Ang loob at labas ng bahay ay puno ng mga peke at tunay na halaman na kung saan talaga namang nakapag bibigay ng buhay sa bahay nila.

Ang kanilang Foyer ay may lamang muebles at mamahaling furnitures. Sa unang tingin ay hindi maikakailang mamahalin ang mga gamit.

Kung iyong sisilipin ang kanilang Comfort Room, makikita mo doon ang mga gintong kulay ng mga detalyales at materyales. May sarili ding urinal ang mga lalaki.

Sa itaas na bahagi ng bahay ay matatagpuan ang Tempo Primo na sariling music school ng kaniyang nakatatandang kapatid na babae na kung saan puno ito ng mga instrument gaya ng drums at gitara.

Ipinakita niya din ang Dad’s man cave na kung saan ay personal space na ng kaniyang ama.

Nakamamangha at nakakainspire talaga ang mga ganitong content.