Vlogger, nag-upload ng video na ‘nakatunganga’ ng 2-oras, nakalikom ng 1m views at kumita ng malaki matapos m

Sa panahon ngayon marami talaga ang pinapasok ang pagba-vlog dahil talaga naman malaki ang kita.

Sa katunayan nga ay halos ang lahat ng artista ngayon ay mayroon ng kanya-kanyang Youtube Channel dahil halos lahat naman ngayon ng mga tao ngayon ay may access na sa internet.

Samantala, hindi naman madali ang pagiging vlogger o content creator dahil ito ay kinakailangan na magiging patok o magustuhan ng iyong mga subscribers.

Ang iba nga na makikita mo sa mga content ay how to cook, how to do this, how to make o kaya naman ay mga prank.

Ngunit naiiba diyan ang isang Vlogger na ito kung ang iba ay nag-iisip kung ano ang maganda icontent para magustuhan ng viewers, ito ay naiiba dahil ang vlogger na to ay nag upload sa kanyang Youtube Channel na may 2hours long video na walang ginagawa kundi naka titig lamang sa camera.

Siya ay si Russel Peter isang comedian at vlogger, sa kanyang Youtube Channel na Sobat Miskin Official in-upload niya ang video na may habang 2 oras.

Mapapanood sa video na nasa loob siya ng kwarto at nakasoot ng itim na tshirt habang naka upo sa kama.

Dahil sa haba nga ng video ay aakalain mong may gagawin pa siyang iba. Ngunit habang tumatagal ay halos walang nangyayari sa video, sa 2 oras na video na iyon tanging ang pag-iba lang ng posisyon ng kanyang ulo ang nag-iba.

Ang nakakagulat diyan ay umani ito ng maraming viewers sa katunayan nga ay mayroon na itong 1m views at patuloy pa itong tumataas.

Sino nga ba ang hindi magugulat, talagang mapapangiti ka nalang kapag napanood mo ito na halos 2oras kayong mag titigan.

Marami naman ang mga nag aabang sa mga susunod na i-upload ng vlogger na to. Ikaw anong masasabi mo? Aabangan mo ba ang kanyang susunod na video?