Ordinaryong manggagawa, hiningian ng tulong ng isang sikat na artista, viral sa socmed

Ayon sa kwento, Lumapit umano si John Regala sa isang Grabfood Delivery boy upang humingi ng tulong dahil nahihilo at nanghihina umano siya.

Nangyari ito noong Lunes, July 27 bandang alas-dos ng hapon sa may Brangay 183, Pasay City. Agad naman itong ibinahagi sa Facebook ng GrabFood delivery boy na si Carlo Marti Clariza ang mga larawan ni John Regala natila nahihirapan ito sa kanyang kalagayan.

Nito ngang martes ay nakausap ng aming source si Carlo at ayon sa kwento nito.

“Humihingi po siya sa akin ng tulong at pagtingin ko po sa kanya ay nakilala ko po agad siya, May hinahanap po siyang isang nurse kaya pinapunta niya ako sa barangay para humingi ng tulong dahil nahihilo nga po at nagugutom po siya”.

Ang tanong naman ng aming source kay Carlo ay bakit naghahanap ng nurse si Mr. John Regala?

“Taga-doon raw po yung nurse na nag-i-inject sa kanyang gamot para sa gout daw po niya” sagot naman ni Carlo.

Dagdag pa sa amin ni Carlo :

“Bago ko po siya iniwan, inilapit ko po siya sa mga taga-barangay, Inaasikaso naman po siya. Iniwan ko po siya dahil may delivery pa ako.

Tapos, pagbalik ko po doon, wala na siya. Sabi ng mga tanod, nakauwe na raw po at may dalang sasakyan kaya nag-alala po ako dahil nahihilo siya”.

“Ang sabi po ng pinagtanungan ko, dumating naman ang tao na inaantay ni sir John at ginamot ang mga sugat niya. at sinabi rin niya po na magpapatanggal daw po siya ng tubig sa katawan dahil napansin daw po niya na iba ang laki ng kaniyang tiyan”

“Sinabi rin po sakin ni sir John na nagugutom daw po siya kaya lang daw po ay wala siyang panlasa”.

Ayon pa sa kwento ni Carlo ang sasakyan daw na dala ni John Regala ay isang Starex na van.

Dahil naman sa post ni Carlo ng mga larawan ni John Regala ay umani agad ito ng maraming komento at marami din mga netizens ang nag share ng post na ito na naging daan para magkaroon ng panawagan na tulungan ang aktor.

Naging mabilis ang aksyon ng mga netizens at nanawagan sa programang Kapuso Mo Jessica Soho at sa programa ni Raffy Tulfo dahil nakikita raw nila na kinakailangan ni Mr John Regala ng financial support.

Siya po Si Mister John Regala Ang sikat na kontra bida humingi nang tulong po sa aken kase nahihilo po siya may…

Posted by Carlo Marti S. Clariza on Monday, July 27, 2020

Dagdag pa riyan, si John Regala ay isang miyembro ng Iglesia Ni Cristo (INC) kaya naman nakatitiyak kami na hindi rin napapabayaan si John ng kaniyang mga kasamahan sa simbahan.

Napag-alaman din namin na malaki ang naging tulong ng INC para maiuwi sa Pilipinas ang bangkay ng nanay ni John na si RUby Regala matapos itong sumakabilang buhay noong January 2020.

Matatandaan din na noong 2017 ay napabalitang natumba umano si John sa labas ng isang supermarket sa Bacoor Cavite matapos nitong mahilo dahil sa pagtaas ng presyon at ayon din sa amin ay nong taon na yon ay maraming nagpaabot ng tulong kay John na ordinaryong tao.

Dahil sa larawan din na ito na kumalat, agad din nagbigay ng aksyon si Raffy Tulfo at nagbigay ito ng P100k na may kasamang gamot at groceries.

Source: PEP