Jaclyn Jose, ibinahagi ang totoong pahayag tungkol sa pakikitungo kay Philmar at sa anak na si Andi tungkol sa pamumuhay nito

Kagaya ng sabi ng iba, ang mother and daughter relationship ay isa sa may pinaka malalim at hindi matitibag na samahan.

Ngunit kailangang tanggapin ng mga magulang na balang araw ay mahihiwalay sa kanila ang kanilang mga anak dahil ito ay mag dedesisyon nang mag asawa at magkaroon ng sariling pamilya.

Kagaya na lamang ni Andi Eigenmann na anak ng  isang beteranang aktres na si Jaclyn Jose.

Matagal na din nang nagsimulang magkaroon ng anak si Andi at ngayon ay mayroon nang sariling pamilya at nabubuhay ng simple sa probinsya na malayo sa kaniyang ina.


Noong mga nakaraang taon ay palaging nagpupunta si Andi sa Siargao Island dahil sa kaniyang adbokasiya sa pagliligtas na ng karagatan at gawin ang kaniyang hobby na pagsu-surf.

Matapos ang pananatili sa Siargao ay nakilala naman niya si Philmar Alipayo na kaniyang current partner ngayon na isa sa pinaka-magaling na surfer sa Pilipinas.


Matatandaang nagkaroon na din ng anak si Andi noon na pinangalanang Ellie Eigenmann kay Jake Ejercito.

Nitong nakaraang taon naman ay nanganak muli si Andi sa kaniyang ikalawang supling kay Philmar Alipayo.


Si Andi at Philmar ay nagdesisyonng tumira sa sa Siargao pagkat nais nila ng simple at tahimik na buhay.

Sa katunayan, sila ay mayroon nang sariling tahanan sa isla ngunit hindi pa ito tapos. Sa kasamaang palad ay inabot ng pand3mya ang kanilang pagpapagawa at naudlot ang kanilang pamimili ng iba pang materyales at furnitures.


Ayon sa isang artikulo mula PEP, sinabi ni Jaclyn na hindi niya daw magawang mabisita ang kaniyang apo na si Baby Lilo dahil na nga sa pand3mya.

Alam naman daw niya na inaalagaan ni Andi ng mabuti ang kaniyang mga apo.

Nang tanungin na,an siya ukol sa relasyon ni Andi at Philmar, ang kaniyang naging kasagutan ay “Okey, okey. Walang problema.”

“Ganun naman talaga, kapag may tampuhan, after a while, wala na din iyan. Masaya ako kapag nakikita ko ang mga apo ko, at okey kami ng anak ko.”