Babae, biglang niyakap ang taong grasa na nakita sa kalsada at humagulgol sa iyak, katotohanan ay nagpaiyak sa lahat

Dito sa atin sa mundong ibabaw maraming mga bagay o pangyayari na ating nakikita at nasasaksihan sa ating kapaligiran na kung minsan ay hindi natin pinaniniwalaan kung totoo ba ito o gawa-gawa lang.

Tulad na lamang ng isang kwentonf nagviral sa socmed. Tungkol sa isang babaeng bigla nalang niyakap ang isang taong grasa na kanyang nakasalubong.

Kung ikaw ang nakasaksi maiisip mo na bakit ginawa ito ng babae at hindi tama ang ginawa dahil basta-basta na lamang siyang nangyakap.

Ngunit ang katotohanan pala sa likod ng pagyakag ng babae sa taong grasa ay mayroon silang koneksyon sa isa’t-isa.

Ayon sa nagpost nito sa social media na si Ric Oliver ang pangyayari na kanyang nakuhanan ay naganap sa Pateris Latagan Night.

Sa kanyang kuwento mayroon daw taong grasa na sa kanila ay tumabi sa kanilang kinauupuan tahimik lang naman daw ang taong grasa habang nakatulala.

Dahil nga daw tahimik lang naman daw ang taong grasa at wala sa kanilang ginagawang masama ay hinayaan lamang nila ito sa kanilang tabi.

Ilang oras ang nakalipas ay may babaeng dumaan sa kanilang harapan. Ilang beses nitong tinignan ang taong grasa at laking gulat nila na niyakap ito ng babae at nagsalita habang umiiyak na “Kuya naalala mo pa ba ako?” tuloy sa pagyakap ang babae habang umiiyak sa kanyang kapatid.

Habang yakap ng babae ang taong grasa ay agad-agad itong tumawag sa kanyang cellphone at sinabing “Nay nakita ko na po si Kuya, hindi na po ako papasok. Iuuwi ko po ba siya Dyan?”.

Hindi naman napigilan din na umiyak ang taong palaboy ayon pa sa babae halos limang taon silang nagkahiwalay ng kanyang kapatid na ito simula ng ito ay nawala nung sila ay nasa Batangas.

Place:pateros latagan nightsTime around 8pmJan 20, 2020Share ko lng po ung experience nmin sa latagan kagabi.Isang lalaki n taong grasa po ang biglang umupo sa aming tabi, nakaupo lang, nakatulala. Pagkalipas ng ilang oras my babaeng dumaan, tila papasok plng sa work, bigla syang napalingon kung saan nakaupo si kuyang taong grasa, nagulat kami sa sunod na pangyayari.Nilapitan nung babae si kuya, niyakap at sabay sabing " kuya naaalala mu pa ba ako?" Umiiyak si ate at panay ang yakap nia sa lalaki. Narinig ko my kausap si ate sa cp, sabi nia hbang umiiyak "nay, nakita ko napo si kuya, hindi npo ako papasok, iuuwi ko n sya jan" umiiyak na rin ung lalaki.As per ate, 5years na plng nawawala ung kuya nia, at sa batangas pa ito nawala, kung ano man ang detalye kung bkit nwala at kung ano ngyari ay hindi na namin naitanong pa, mas pinili namin na ibigay n sa kanila yung oras nila.Kaya q po sana i sshare ang munting video n nkuha q po sa knila,ay para magsilbing inspirasyon po sana sa iba,kung sakali po na mayroon po sila minamahal sa buhay na nawalay po sa knila,wag po sana taung mawalan ng pag asa at tiwala sa panginoon na balang araw ay mkksama po nten sila ulet..!🙏🙏🙏

Posted by Ric Oliver on Monday, January 20, 2020