Silipin ang elegante at luxurious na Mediterranean house nila Daniel Padilla na sobrang ganda at lawak

Kagaya ng iba pang mga taong nag tatagumpay sa buhay, nakaranas din ang sikat na sikat na aktor na si Daniel Padilla kasama ng kaniyang pamilya sa paglaban sa hirap ng buhay.

Dahil sa kanilang sakripisyo, pagtatiyaga, dedikasyon at pagsusumikap, nagbunga lahat ito ng mga bagay na hindi nila inaakalang mapapasakanila.

Isa na diyan ang kanilang Mediterranean house na dinesenyo ni Arch Marie-Louie Torres-de-Leon. Ito ay matatagpuan sa isang mamahaling subdivision sa Fairview Quezon City.]

Sa kabila ng pag rerenta lamang sa loob ng 25 taon, ngayon ay mayroon na silang sariling bahay na galing mismo sa dug0 at pawis nila.

Ang kinatatayuan ng bahay ay may sukat na 1000 sqm. Sa labas pa lang nito ay makikita na agad kung gaano ito ka-elegante at kalawak.

Makikitang may nakalagay na wooden seating at swinging bench sa harapan ng kanilang pinto na magandang tambayan.

Pagpasok sa main door ay bubungad ang makulay na tainted glasses na inirequest mismo ng kaniyang nanay na si Karla Estrada.

Ang kanilang living room ay may temang neutral colors lamang na maaliwalas at malamig sa mata.

Bahagi ng kanilang living room ang isang elevated area na kung saan nagdadaos ng family meeting, clients o partners. Ang mga kahoy na makikita dito ay inorder pa sa bansang Malaysia.

Ang kanilang dining area ay simple ngunit elegante. Mayroon itong 10- seater na dining table na talaga namang kasyang kasya silang pamilya.

Sa kanilang kusina naman ay makikita ang arch-way na gawa sa ladrilyo na ayon sa kagustuhan nilang mag ina.

Ayon naman sa kanilang arkitekto, ang orihinal na plano daw ay gawa sa mahogany wood ang materyales dahil ito ang madalas gamitin sa kusina.

Sa kanilang powder room ay makikita ang nakasabit na cute na chandelier at nilagyan ito ng arkitekto ng tiles na mosaic

Mayroon pa ulit silang isang living room sa ikalawang palapag na kung saan ay mapapasarap din ang pagbobonding nilang pamilya sa panunuod ng telebisyon.

Syempre ang master’s bedroom ay para sa kanilang queen mother na si Karla Estrada na kung saan makikita din ang napakalaking kama.

Hindi mawawala ang walk-in closet nito na mayroong vanity mirror. Sa kabulang dulo nito ay matatagpuan ang banyo na kung saan ay kay lawak at gawa sa salamin ang kaniyang shower area.

Ang kwarto ni Daniel ay nasa secret door dahil mayroong security code ito. Mayroon din siyang bookshelves kung saan naroon ang collections niya ng Beatles at toy figure ng kaniyang idolo na sina Kobe Bryant at Lebron James.